Tuesday, January 15, 2013

Kalikasan ay Alagaan Patungo sa Magandang Kinabukasan


Ang kalikasan ay isa sa biyayang handog ng Diyos na dapat nating ingatan, alagaan at pagyamanin tungo sa ating kaunlaran. Bawat biyaya ng Diyos ay dapat may katapat na pagmamahal lalong lalo na ang ating kalikasan na syang nagbigay sa atin ng kabuhayan at tumutulong sa oras ng kagipitan.Ang kalikasan ay para sa lahat kaya nangangailangan ito ng respeto upang mapakinabangan mo nang husto.Subalit ito ay unti- unti ng nasisira dahil sa atin kakitidan ng utak at pagkaganid sa mga materyal na bagay. Kaya habang may panahon pa alagaan natin ito at pagyamanin!!!




Wala ka bang napapansin sa iyong mga kapaligiran? 
Kay dumi na ng hangin, pati na ang mga ilog natin.

Refrain 1: hindi na masama ang pag-unlad at malayu-layo na rin ang ating narating ngunit masdan mo ang tubig sa dagat dati'y kulay asul ngayo'y naging itim ang mga duming ating ikinalat sa hangin sa langit huwag na nating paabutin upang kung tayo'y pumanaw man, sariwang hangin sa langit natin matitikman


Refrain 2: mayron lang akong hinihiling sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan gitara ko ay aking dadalhin upang sa ulap na lang tayo magkantahan

[ Lyrics from: http://www.lyricsty.com/asin-masdan-mo-ang-kapaligiran-lyrics.html ]
Refrain 3:mga batang ngayon lang isinilang may hangin pa kayang matitikman? may mga puno pa kaya silang aakyatin may mga ilog pa kayang lalanguyan?

Refrain 4: bakit di natin pagisipan ang nangyayari sa ating kapaligiran hindi na masama ang pag-unlad kung hindi nakakasira ng kalikasandarating ang panahon mga ibong gala ay wala nang madadapuan masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag ngayo'y namamatay dahil sa 'ting kalokohan


Refrain 5: lahat ng bagay na narito sa lupa biyayang galing sa diyos kahit nong ika'y wala pa ingatan natin at 'wag nang sirain pa pagkat pag kanyang binawi, tayo'y mawawala na


    
Kailangan panatilihin malinis at maayos ang ginagawa at lugar na pinag gawaan dahil para ito sa ating sarili.  Kinakailangan malinis ito dahil upang di tau dapuan ng  mga sakit. Kailangan din ito para sa ating kaligtasan.


Sanhi ng hindi pagkakaayos ng kanal sa kalsada at pagtatapon ng basura kung saan saan at kawalan ng mga puno dahil sa ilegal na pagtotroso.


Kalbo na ang kagubatan dahil sa mga nagtotroso

Ang ilegal na pagtotroso ay ang pagputol ng mga punong kahoy na walang permiso mula sa DENR. ito ay nagdudulot ng malaking pinsala sa kagubatan.


Bakit kaya ito nangyari sa ating mga kagubatan? Ang sagot diyan ay simple, dahil ito sa kasakiman ng iilang sa ating mga kababayan na inuuna ang pagpapayaman ng sarili at hindi na nila inisip kung ano ang magiging epekto nito sa milyun-milyong mga Filipino na magiging biktima ng mga kalamidad. 


Malaki rin ang naging papel ng korapsyon sa hanay ng ating mga opisyal sa pamahalaan na pinabayaan lamang na lumago ang illegal na pagpuputol ng mga puno lalung-lalo na riyan sa Sierra Madre. Marami kasi sa mga lokal na opis­yal na ito kabilang na rin ang ilan sa hanay ng pulisya at militar ay nakikinabang sa illegal na pagtotroso kaya makikita talaga natin na ang epekto ng korapsyon sa ating lipunan ay napakalaki kung kaya’t dapat ay matuto na tayo na huwag bumoto sa mga pinuno na alam nating sangkot sa mga kalokohang ito. 

Sa tingin ko ang pinaka naging dahilan ng matin­ding pagbaha at pagsira sa ating mga pananim ay resulta ng mga kalbo na nating mga kagubatan. Sa totoo lang, marami pang mas naging malalakas na bagyo ang dumaan sa nakalipas na ilang dekada ngunit tila ngayon lamang natin nakikita ang ganitong klaseng epekto dahil wala nang mga puno na puwedeng sumipsip sa tubig na galing sa ating mga kabundukan. 

Ang epekto tuloy nito ay patuloy na babagsak lamang ang tubig na ito sa mga lalawigan at ito ang malaking dahilan kung bakit namimiligro ngayon ang buhay at kabuhayan ng marami sa ating mga kababayan. Pinabayaan natin ang ating kalikasan at ngayon ay tila gumaganti na ito sa ilang dekadang pang-aabuso. 




Maglinis sa ating kapaligiran at panatilihing malinis ito. Iwasan ang pagkalat ng mga basura o magtapon kung saan-saan. 
Kailangan panatilihin malinis at maayos ang ginagawa at lugar na pinag gawaan dahil para ito sa ating sarili.  Kinakailangan malinis ito dahil upang di tau dapuan ng  mga sakit. Kailangan din ito para sa ating kaligtasan.



 


 


Tumulong sa paglilinis sa ating kapaligiran. Itapon ang basura sa dapat lagayan. Ibukod din ang mga basurang nabubulok at di-nabubulok. Huwag magtapon kung saan-saan.




         Isa sa mga nakakasira sa ating kapaligiran ay ang hindi wastong   pagtatapon ng basura o improper waste disposal. Bukod sa ito ay nakakapangit ng kapaligiran, ito rin ay nakakasama sa kalusugan ng mga tao.







 
 Isa sa mga problemang hinaharap ng ating bansa sa panahong ito ay ang polusyon o pagkasira ng kalikasan.

Ang polusyon sa tubig ay isang halimbawa ng pagkasira ng kalikasan. Ang 70% ng mundo ay binubuo ng tubig. Ang tubig rin ay ang pinakaimportanteng pangangailangan ng isang bagay na nabubuhay dito sa mundo. Ngunit, unti-unti na itong nadudumihan dulot ng pagtatapon ng mga basura sa mga iba’t ibang katawan ng tubig, pagtagas ng langis, pagtatapon ng mga dumi mula sa ating katawan sa mga tubig, mga nakakalasong bagay mula sa mga construction at logging sites na natatangay ng tubig patungo sa mas malalaking katawan ng tubig at marami pang iba.
 
               Ang polusyon sa hangin ay isa pang uri ng pagkasira ng kalikasan. Dahil sa hangin, tayo pa rin ay nabubuhay dito sa mundo ngunit ito ay nadudumihan na rin. Ang ilang sanhi ng polusyon sa hangin ay ang pagbuga ng mga kotse sa lansangan ng nakakalasong usok, paninigarilyo, kaingin at marami pang iba.
 
               Ang polusyon sa lupa ay pwedeng maging dulot ng pagtatapon ng mga basura kung saan-saan. Kung pakikinggan ay madali lamang sirain ang kalikasan ngunit mahirap na ito ibalik sa dati nitong kagandahan. Hindi rin natin alam na unti-unti na tayong pinapatay ng ating mga ginagawa.

   Huwag nating hintayin na ang sarili nating mga katawan ang magdusa dahil sa ating mga gingawa. Huwag rin nating hintayin na tayo ay tumanda upang makagawa ng hakbang. Hindi kailangan ng kahit anong edad upang makagawa ng pagbabago. Kaya habang tayo ay nasa mura nating  edad, gumawa na tayo ng pagbabago.



  Patuloy na nasisira ang ating kapaligiran, dahilan upang magkaroon ng negatibong pagbabago hindi lamang dito sa ating bansa bagkus pati na rin sa buong sandaigdig. Ang lumalalang sitwasyon ay nagiging dahilan upang magkaroon ng pangyayari na tinatawag na global warming. Ang global warming ay ang pagtaas ng temperature ng ating mga karagatan at atmosphere at ang patuloy na paglala nito. 

Sinasabi ng mga scientist at mga eksperto na ang dahilan nito ay ang pagsusunog ng mga fossil fuels na nagiging sanhi ng pagkasira ng ozone layer n gating atmosphere. At dahil unti-unting nabubutas ang ozone layer, ang init na galing sa araw o itong tinatawag na sun's rays na mapanganib sa ating kapaligiran kung ito'y direktang makapapasok ay siya na ngang nangyayari sa kasalukuyang panahon. Ang ozone layer ang siyang nagsisilbing taga-sala nito o filter upang hindi ang mga mabubuting sinag lamang ang makapasok sa ating atmosphere.
 

Sa isyu ng global warming, napakahalaga na pagtuunan ng pansin ang mga bagay na nagiging dahilan ng ganitong pangyayari. Alamin, sa abot ng makakaya, ang mga sanhi ng global warming. Sa ganitong paraan, malalaman natin ang mga dahilan ng pagkasira ng ating atmosphere at magagawan natin ng paraan. Maiiwasan natin ang mga gawaing nakapagdudulot ng unti-unting pagkabutas ng ating ozone layer gaya ng pagsusunod ng mga fossil fuels.

Hindi lamang sa ating henerasyon maaaring makaapekto ang global warming. Higit na mararamdaman ito ng ating mga anak at kanilang mga pamilya kung hindi natin maaagapan ang pagkasira n gating kapaligiran. Marapat lamang na hanggang maaga ay kumilos tayo upang hindi na lumala pa ang sitwasyon. Kailangan lamang na magkaisa tayo upang masolusyunan natin ang problemang kinakaharap. Malaki ang ambag ng bawat isa sa pagkakaroon ng mabuti at malinis na kapaligiran. Huwag n asana tayong dumagdag pa sa mga taong patuloy ang pagsira sa ating kapaligiran.



       Masdan mo ang ang tubig na nakapaligid sa atin, dati noon ay kulay asul ngayon ay naging itim. Ang mga dumi na ating ikinalat sa hindi tamang lugar, binibigyan mo ba ng kaunting consideration ang mga tao sa paligid mo? Sana naman ang mga kalat na ito ay huwag na nating paabutin sa langit. Upang sariwang hangin ay atin pang matikman.
            Ba’t hindi kaya natin pag-isipan ang mga nangyayari sa ating kapaligiran? Hindi nga naman masama ang pagunlad kung hindi ito nakakasira sa kalikasan. Sumali tayo sa mga organisasyong ipinagkaloob ng gobyerno upang tayo ay mabigyan ng sapat na edukasyon ukol sa pagsagip ng ating kalikasan. Pag enganyo sa inyong mga magulang na gumamit ng wastong pagtapon ng basura o gumamit ng tinatawag nilang Zero Waste Management para lalo pang mabawasan ang ating mga basura sa bahay. Ang pag-unlad natin para sa Inang Kalikasan ay nasa mga kamay nating kabataan dahil marami pa tayong panahon at oportunidad para maibalik at mabago ang ating kalikasan sa tunay at orihinal nitong kagandahan.